Mayroon akong kaibigan
na madalas kong kasama,
mas madalas pa
kaysa sa aking anino.
Pero 'di kami laging nagtutugma -
kalimita'y nasa magkabilang dulo
ang aming kinatatayuan.
Tahimik din siyang makipag-usap
kabaliktad mg malikot niyang diwa -
mapapansin ito sa kanyang
mga pinakamasasayang kuwento
na punung-puno ng luhang
magmamantsa
sa memorya ng kung sinumang makikinig.
At sa kanyang matatamis na ngiting
dulot ng pinakamapapait na alaala'y
nahahalina ang kagandahang
hinding-hindi na makakamit.
Siyanga pala,
mas madalas mo siyang makaharap
kaysa sa akin;
saka ko na lamang siya nakikilala
kapag nakikipagtalo ako sa sal
kelan kaya maiisip ng tao na hindi lang sya ang nilalang sa daigdig na 'to?
oo, may sarili nga s'yang mundo na lagi n'yang binubuo/binabago sa bawat beses na s'ya'y mag-iisip. pero bakit ganun, hinadi ba't labis-labis na ang kanyang pagkamakasarili?